Wednesday, July 1, 2020

Mga Nadiskubre sa Panahon ng Pandemya


Luma na talaga celfon ko
Nakakahilo pala ung baho ng hininga ko
Magkasing dulas sila ng sanitizer
Ok lang din pala pagmay buhok sa kilikili
Di ko kilala ung ibang friends ko sa fb
Ganon pala itsura ng bubong nila
Kelang kaya mamumunga itong puno namin
Kala ko mayaman bat may sampay sa salas
Masarap din pala aratilis
Magkasing amoy pala ung kumot at tuta
Umaga na cguro, tumilaok na mga manok
Umiitim din pala singit ko
Kasali pala ako sa GC nato
Nakakalimutan ko palang i-flush minsan
Nagsisigawan din sila
Nagkulong na nga sa Kwarto ikaw pa masama
Di talaga masarap pag walang toyo
Parang di ko na matali ang sintas ng sapatosko
Nakakalimutan ko pala magshampoo
Wala na palang laman ung alkansya ko
Bakit basa itong headfonko
Nand2 pala sa gilid ung pamunas
Ang panghi ng cr
Prito na naman
Nka konect samin kaya pala mataas kuryente
charger ko pala dati yon
Sabi ko na nga ba nagkukulay lng sya ng itim sa buhok
Ang bilis lumiit ng sabonko
Parang amoy tae ung garden
Dati medjo pingkish ito
Kaya ko pala kahit lima
Tumigil ung automatic kong relo
Halos magkasing lasa lang ang spam at maleng
Dati mabilis lang sya magreply
Cno kaya itong nag Heart sa kanya
Nakshades sa selfie kahit madilim
Bisaya pala sya
Pwede pala ipatong sa panty
Ang init pero nakajacket
Singit ba yun o leeg
Goodnight, bat next message Hi
Ang hirap izoom ng Instagram nya
Bat Pedicab sa video, akala ko may Montero
Iyak ng Iyak ung Baby ng Kapitbahay, pareho naman nasa bahay ung magulang
Ok lang kahit walang asukal ung kape
Naubos ko na ung sabaw ng noodels
Di ma full charge cp ko
Ang damot sa wifi ni Tita
C Kim chu pala yun akala ko si Heart
Parang may naninilip sa cr
Mag asawa bawal angkas, pero sa kama magkatabi
Di ko pala nabalik ung VHS sa rental noon
Pano kaya makalakad ung pagkain, bawal daw tao eh
Nakapirma si Mama sa reciv, pero wala naman natanggap
Ang alat pala kapag ginawang pancit canton ang noodles soup
Dagdagan ko ng butas ung sinturon ko
Bumaho ung Jordan ko
Dapat pala hindi ko pinahiram ung electric fan ko
May sentipid sa Cr
Naipon ung kanin sa drain ng lababo
Basag na ung tabo
Haay Salamat pwede na lumabas wala nang Covid…

Sunday, June 16, 2013

OFW Dependent Scholarship Program

As Posted in OWWA (Overseas Workers Welfare Association) Website herewith I am Posting the Procedure to Avail Scholarship for OFW Dependents in Article Version Since the Post was Shown as PDF.

The OFWDSP is an educational assistance to qualified dependent of Overseas Filipino Workers (OFWs) who intend to pursue any four year or five year baccalaureate degree or associated degree in state college or university. A total of 204 annual scholarship slots are distributed in seventeen (17) cities of the National Capital Region.

Required Documents

The Documentary requirements for submission are:

1. Proof or OWWA membership of the member-OFW
  • Membership Verification Sheet issued by OWWA Membership Processing Center (MPC),
  • or Official Receipt of OWWA Contribution.
2. Proof of Relationship to OWWA Member
  • Birth Certificate of Applicant certified by the Local Civil Registrat or the NCSO (if the applicant is the brother or sister of the member OFW)
3. School Records
  • Form 137
  • Transcript of Records
4. Certificate of Good Moral Character issued by the School Principal/Guidance Counselor
5. Medical Certificate/Clearance issued by hospital accredited by BOH
6. Two (2) Copies of 2x2 Photo (Colored)

Filing of Application
Interested applicant may file his/her application from Monday to Friday, 8AM to 5PM at the OWWA Regional Welfaer Office - National Capital Region, 2nd Floor, Room 202, OWWA Center, 7th Street, Corner F.B. Harrison, Pasay City, For Details call at telephone 891-76-01 local 5219 or 832-12-68

Qualified Beneficiaries of the Program

Legal Dependent of an OWWA active member-OFW whos monthly salary is US $400.00 or below can avail of the program. The OFW legal dependent refers to only (1) child married or single OFW; or only one (1) sibling (brother or sister).

The Qualified legal dependent must be single and not more than 21 years old at the time of application. He/she must be a high school graduat or about to graduate from high school, and physically, mentally, and morally fit. He/She must pass the entrance examination conducted by state college/university in the National Capital Region (NCR).

Sunday, June 24, 2012

. . .tatlo na college ko, giginhawa na din ako......

REPOSTING A VERY INSPIRING EMAIL MESSAGE

22 June 2012, lagpas alas tres na nang tanghali, matamlay na oras para sa tulad kong Remittance and Foreign Currency Transactor sa isang kilalang remittance company dito sa UAE. Pero nagising ako sa isang kliyenteng kabayan na nagbigay inspirasyon sakin na sumulat. Pumasok ang isang kabayan sa branch ng kumpanya namin sa isang mall kung san ako nagtatrabaho. Halatang kasambahay dahil sa suot nya. May edad na din si Ate, payat at medyo halatang hirap sa trabaho, naalala ko tuloy nanay ko sa kanya. Di ko nakuha yung pangalan, mas ok na yon para tago din yung pagkatao nya. Paglapit nya sakin ehh binigyan nya ko ng 2090 dirhams. Gusto daw nya ipalit ng Peso lahat. Syempre alam ko na malulugi sya dahil aminin na natin, may konting tubo pag nagdala ka ng USD sa Pilipinas, kaya nag suggest ako na gawin na lang nyang Dollars yung 2000 dirhams at yung 90 dirhams e gawing Peso. Para makumbinsi ko sya eh binigyan ko sya ng sample computation at lumabas na tubo sya ng mga Php 1000+ kung dirhams to dollar ang gagawin nya kesa sa dirhams to peso. Kitang kita sa mata ni Ate yung gulat, sobrang ngiti at sobra pa syang nagpasalamat sakin, dahil tumubo sya ng Php1000. Lahat lahat e napalitan ko yung 2090 dihams nya ng $540 (nasa Php 23k halos kung Php42.50 per dollar )at Php 1120, may sukli pang 2 dirhams (sakto pang Rani Juice), tamang pamasahe lang yung peso sakto kasi taga Novaliches lang daw sya. May maitanong lang e nasambit ko "Ate uuwi ka ba?" "Oo, bukas na lipad ko. " "Babalik ka pa ba o permanente na?" tanong ko na nakangit sa kanya. "Oo, kelangan e."At yung sunod na kwento nya ang gumising ng utak kong natutulog. "Alam mo ba kabayan, eto lang dala kong pera pag uwe, sampung taon na ko dito, 1000 dirhams lng sweldo ko, ngayon pa lang ako uuwe, di ako binibigyan ng increase at bonus ng amo ko." Tatanong ko sana kung bakit parang ang liit ata ng dala nyang pera pag uwe ng Pilipinas gayong 10 taon na syang di umuuwi, yung sunod na sinabi nya ang pinaka masarap na masasabi ng isang inang OFW na nagpapaka katulong sa ibang bansa. "Di bale, tatlo na college ko, ga graduate na yung isa, giginhawa na ko." DUn ako napatingin sa kanya at sobrang di ko maipaliwanag yung naramdaman ko, siguro malakas lang talaga dating sakin nung mga magulang na nagsasakripisyo para sa mga magulang nila mapag aral lang sa magandang unibersidad o instituston. Sobrang proud si Ate sa sakripisyo nya, sobrang proud sya sa mga anak nya na kahit isang kadama (kasambahay) sya, nagpapakatulong sa ibang lahi, tiniis ang puyat, pagod, topak o sapak ng amo nya. "ga graduate na yung isa. . .giginhawa na ko." ang sarap alingawngaw na musika sa isang magulang na nagpapakahirap, may malaking pag asa, kung naririnig lng sana sya ng mga anak nya. Biglang naalala ko hirap ng magulang ko sa akin, lalo nung college years ko. Nagtitinda si nanay ng lutong ulam sa kalsada at si tatay naman eh factory worker. Si tatay, para magkaron ako ng baon kinabukasan e pagkatapos pumasok sa factory e nagmamaneho ng tricycle sa gabi. Kung tutuusin eh masuwerte ako kasi sobrang sipag nila nanay at tatay para maitaguyod kami at mapag aral kaming 2 magkapatid, partida ako pa bunso nyan. Kinapos man ng swerte sa panganay ehh di ko makukuhang magpabaya para sa magulang ko, payback time kumbaga, sila noon, ako naman ang babawi sa kanila ngayon. Di naman mura ang tuition sa unibersidad na may basag na "mandirigma".Aral mabuti, sinuwerte, nag scholar,tapos nung nakagraduate na, nasabi nila "Sa wakas, may pag asa." Nag trabaho sa bangko, tinamaan ng lintek ni Ondoy, nagdesisyong mag OFW kahit bata. Kadalasan ko nga na nababasang istorya ng OFW eh yung magulang para sa anak, pero kakaiba pala yung sakin, bunsong anak para sa magulang. Di man ako mapagsalita ng "mahal ko kayo" or "ilove you" sa magulang e, pinapakita ko sa kanila na sobrang mahal ko sila, kaya kong tiisin siguro lahat at kalimutan sarili ko para sa magulang ko, yung makita ko silang nakangiti pagnakukuha nila yung padala ko e sulit na, at mas natutuwa ako pag nagkukwento sila na kumakain sila sa labas, na di namin namin nagagawa noon. Sobrang saya ko pag nabibili ni nanay at tatay yung gusto nila, yung di na kami nangungutang o nagdadalwang isip na bilin kasi ala nang pera, di na nila kelangan magtrabaho, ako naman. Madalas nila sabihin sa kamag-anak at kakilala na "Kung di dahil sa bunso namin, baka wala na kami ngayon, sobrang pasalamat ko sa bunso ko." Yung marinig ko na pinagmamalaki ako ng magulang ko e sobrang saya, di dahil gusto ko ng papuri kundi sobrang na appreciate nila yung ginagawa ko para sa kanila. Seryoso, akala ko kwetong kaartehan lang yung istorya ng mga OFW, totoo pala talaga, makita mo lang mahal mo sa buhay sa video call o marinig boses nila sa mobile eh tulo na luha mo, pero nakangiti ka pa din, di pa pwedeng magpahalata na umiiyak kasi baka mag alala sila (jologs din para sakin kasi kalalake kong tao e umiiyak ako sa kalsada habang may kausap sa mobile). Ehh mas lalo siguro si Ate kasi kadalasan pag kasambahay e bawal cellphone, bawal internet, halata pa naman sa kanya yung excitement ng pag uwe. Tumatak sa kin yung mga salita ni ate, sana lang di nya nahalata na naluluha ako habang inaabot ko yung dollars at pesos sa kanya. Wala akong magawa kasi di ko pwedeng dayain yung exchange rate para mas maraming dollars at pesos ang maibibigay ko kay Ate, kaya ang na-i-tip ko na lang sa kanya e "Ate wag kang magpapapalit ng dollar sa banko lalong lalo na sa airport, mababa dun, sa mga maliliit na exchange house ka magpapalit, yung sa mga palengke, para medyo mataas. Ingat ka ate ah, ikamusta mo ko sa Pilipinas pagdating mo dun. "sabay tapon nag ngiti sa kanya. "Salamat sa tulong mo ahh." sagot nya sakin. Pakiramdam ko anlaki ng naitulong ko sa kanya nang tumubo ng sya ng halos Php1000, ang di nya alam eh mas malaki naitulong nya sakin. Nakita ko sa kanya ang nanay at tatay ko at ang imahe ng Pilipinong OFW, lumalaban sa hirap, sakit at nagsasakripisyo para sa mahal sa buhay. Totoo nga "ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL AY KINAKALIMUTAN ANG SARILI PARA SA KAPAKANAN NG IBANG TAO, LALO SA MAHAL MO SA BUHAY." Tatlo na college mo Ate, pa graduate na yung isa, kayang kaya mo yan, masusuklian na yung sakipisyo mo, IDOL KITA. !!IMBA KA. !!Salamat Ate, sana magkita uli tayo at yung makamayan lang kita kumpleto na pagiging OFW ko. . .

Friday, January 29, 2010

Bato bato sa Langit ang Tamaan Huwag Magagalit

Mga Salitang makahulugan at makakpagpabago ng ating buhay……
Sakim

Malasakit

Alipusta

Wasak

Patawad

Taksil

Hayop

Masahol

Puot

Durog

Sanhi

Pikon

Pakumbaba

Galang

Kapal

Sukdulan

Sayad

Damot

Inggit

Angas

Mamata

Karma

Hayok

Kwela

loko

biyaya

Patok

Galak

Hiya

Responsibilidad

Rason

Bunga

daya

Tindi

Asal

Lubog

Mahinahon

Sapat

Hiram

Presko

Suhol

Gipit

Gatasan

Hambog

Sintensya

Patas

Osyoso
manhid