Sunday, June 24, 2012

. . .tatlo na college ko, giginhawa na din ako......

REPOSTING A VERY INSPIRING EMAIL MESSAGE

22 June 2012, lagpas alas tres na nang tanghali, matamlay na oras para sa tulad kong Remittance and Foreign Currency Transactor sa isang kilalang remittance company dito sa UAE. Pero nagising ako sa isang kliyenteng kabayan na nagbigay inspirasyon sakin na sumulat. Pumasok ang isang kabayan sa branch ng kumpanya namin sa isang mall kung san ako nagtatrabaho. Halatang kasambahay dahil sa suot nya. May edad na din si Ate, payat at medyo halatang hirap sa trabaho, naalala ko tuloy nanay ko sa kanya. Di ko nakuha yung pangalan, mas ok na yon para tago din yung pagkatao nya. Paglapit nya sakin ehh binigyan nya ko ng 2090 dirhams. Gusto daw nya ipalit ng Peso lahat. Syempre alam ko na malulugi sya dahil aminin na natin, may konting tubo pag nagdala ka ng USD sa Pilipinas, kaya nag suggest ako na gawin na lang nyang Dollars yung 2000 dirhams at yung 90 dirhams e gawing Peso. Para makumbinsi ko sya eh binigyan ko sya ng sample computation at lumabas na tubo sya ng mga Php 1000+ kung dirhams to dollar ang gagawin nya kesa sa dirhams to peso. Kitang kita sa mata ni Ate yung gulat, sobrang ngiti at sobra pa syang nagpasalamat sakin, dahil tumubo sya ng Php1000. Lahat lahat e napalitan ko yung 2090 dihams nya ng $540 (nasa Php 23k halos kung Php42.50 per dollar )at Php 1120, may sukli pang 2 dirhams (sakto pang Rani Juice), tamang pamasahe lang yung peso sakto kasi taga Novaliches lang daw sya. May maitanong lang e nasambit ko "Ate uuwi ka ba?" "Oo, bukas na lipad ko. " "Babalik ka pa ba o permanente na?" tanong ko na nakangit sa kanya. "Oo, kelangan e."At yung sunod na kwento nya ang gumising ng utak kong natutulog. "Alam mo ba kabayan, eto lang dala kong pera pag uwe, sampung taon na ko dito, 1000 dirhams lng sweldo ko, ngayon pa lang ako uuwe, di ako binibigyan ng increase at bonus ng amo ko." Tatanong ko sana kung bakit parang ang liit ata ng dala nyang pera pag uwe ng Pilipinas gayong 10 taon na syang di umuuwi, yung sunod na sinabi nya ang pinaka masarap na masasabi ng isang inang OFW na nagpapaka katulong sa ibang bansa. "Di bale, tatlo na college ko, ga graduate na yung isa, giginhawa na ko." DUn ako napatingin sa kanya at sobrang di ko maipaliwanag yung naramdaman ko, siguro malakas lang talaga dating sakin nung mga magulang na nagsasakripisyo para sa mga magulang nila mapag aral lang sa magandang unibersidad o instituston. Sobrang proud si Ate sa sakripisyo nya, sobrang proud sya sa mga anak nya na kahit isang kadama (kasambahay) sya, nagpapakatulong sa ibang lahi, tiniis ang puyat, pagod, topak o sapak ng amo nya. "ga graduate na yung isa. . .giginhawa na ko." ang sarap alingawngaw na musika sa isang magulang na nagpapakahirap, may malaking pag asa, kung naririnig lng sana sya ng mga anak nya. Biglang naalala ko hirap ng magulang ko sa akin, lalo nung college years ko. Nagtitinda si nanay ng lutong ulam sa kalsada at si tatay naman eh factory worker. Si tatay, para magkaron ako ng baon kinabukasan e pagkatapos pumasok sa factory e nagmamaneho ng tricycle sa gabi. Kung tutuusin eh masuwerte ako kasi sobrang sipag nila nanay at tatay para maitaguyod kami at mapag aral kaming 2 magkapatid, partida ako pa bunso nyan. Kinapos man ng swerte sa panganay ehh di ko makukuhang magpabaya para sa magulang ko, payback time kumbaga, sila noon, ako naman ang babawi sa kanila ngayon. Di naman mura ang tuition sa unibersidad na may basag na "mandirigma".Aral mabuti, sinuwerte, nag scholar,tapos nung nakagraduate na, nasabi nila "Sa wakas, may pag asa." Nag trabaho sa bangko, tinamaan ng lintek ni Ondoy, nagdesisyong mag OFW kahit bata. Kadalasan ko nga na nababasang istorya ng OFW eh yung magulang para sa anak, pero kakaiba pala yung sakin, bunsong anak para sa magulang. Di man ako mapagsalita ng "mahal ko kayo" or "ilove you" sa magulang e, pinapakita ko sa kanila na sobrang mahal ko sila, kaya kong tiisin siguro lahat at kalimutan sarili ko para sa magulang ko, yung makita ko silang nakangiti pagnakukuha nila yung padala ko e sulit na, at mas natutuwa ako pag nagkukwento sila na kumakain sila sa labas, na di namin namin nagagawa noon. Sobrang saya ko pag nabibili ni nanay at tatay yung gusto nila, yung di na kami nangungutang o nagdadalwang isip na bilin kasi ala nang pera, di na nila kelangan magtrabaho, ako naman. Madalas nila sabihin sa kamag-anak at kakilala na "Kung di dahil sa bunso namin, baka wala na kami ngayon, sobrang pasalamat ko sa bunso ko." Yung marinig ko na pinagmamalaki ako ng magulang ko e sobrang saya, di dahil gusto ko ng papuri kundi sobrang na appreciate nila yung ginagawa ko para sa kanila. Seryoso, akala ko kwetong kaartehan lang yung istorya ng mga OFW, totoo pala talaga, makita mo lang mahal mo sa buhay sa video call o marinig boses nila sa mobile eh tulo na luha mo, pero nakangiti ka pa din, di pa pwedeng magpahalata na umiiyak kasi baka mag alala sila (jologs din para sakin kasi kalalake kong tao e umiiyak ako sa kalsada habang may kausap sa mobile). Ehh mas lalo siguro si Ate kasi kadalasan pag kasambahay e bawal cellphone, bawal internet, halata pa naman sa kanya yung excitement ng pag uwe. Tumatak sa kin yung mga salita ni ate, sana lang di nya nahalata na naluluha ako habang inaabot ko yung dollars at pesos sa kanya. Wala akong magawa kasi di ko pwedeng dayain yung exchange rate para mas maraming dollars at pesos ang maibibigay ko kay Ate, kaya ang na-i-tip ko na lang sa kanya e "Ate wag kang magpapapalit ng dollar sa banko lalong lalo na sa airport, mababa dun, sa mga maliliit na exchange house ka magpapalit, yung sa mga palengke, para medyo mataas. Ingat ka ate ah, ikamusta mo ko sa Pilipinas pagdating mo dun. "sabay tapon nag ngiti sa kanya. "Salamat sa tulong mo ahh." sagot nya sakin. Pakiramdam ko anlaki ng naitulong ko sa kanya nang tumubo ng sya ng halos Php1000, ang di nya alam eh mas malaki naitulong nya sakin. Nakita ko sa kanya ang nanay at tatay ko at ang imahe ng Pilipinong OFW, lumalaban sa hirap, sakit at nagsasakripisyo para sa mahal sa buhay. Totoo nga "ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL AY KINAKALIMUTAN ANG SARILI PARA SA KAPAKANAN NG IBANG TAO, LALO SA MAHAL MO SA BUHAY." Tatlo na college mo Ate, pa graduate na yung isa, kayang kaya mo yan, masusuklian na yung sakipisyo mo, IDOL KITA. !!IMBA KA. !!Salamat Ate, sana magkita uli tayo at yung makamayan lang kita kumpleto na pagiging OFW ko. . .